Security request ng 2 brgy. officials na may banta sa buhay, inaprubahan ng PNP Security Protection Group

Matapos dumaan sa threat assessment, inaprubahan ng Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group (PSPG) ang security request ng 2 barangay officials.

Ayon kay PSPG Director Police BGen. Antonio Yarra, galing ang 2 barangay officials sa Pangasinan at Batangas.

Kumpirmado aniyang may banta sa buhay ng 2 at binigyan ng tig-isang security mula sa PSPG.


1 barangay official naman mula sa Laguna na may pending request mula sa PSPG na ngayon ay sumasalang pa sa threat assessment.

Paliwanag ni Yarra, umaasa silang daragsa ang mga hihiling ng dagdag security sa kanila habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Kasunod nito, tiniyak ng opisyal ang kahandaan sa pagbibigay ng security detail kung saan dedepende ito sa banta o threat sa buhay.

Facebook Comments