Seguridad sa nalalapit na FIBA World Cup 2023, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na patuloy ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na ika-19 na International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo handa ang Pambansang Pulisya at iba pang ahensya ng gobyerno para sa latag ng seguridad sa naturang aktibidad.

Sa katunayan, hindi lang sa mismong playing venues magtatalaga ng mga pulis kundi maging ang kanilang mga counter intelligence ay ide-deploy rin upang masiguro ang seguridad at hindi malusutan ng anumang banta.


Nabatid na nakatakdang ganapin ang FIBA World Cup mula August 25 hanggang September 10 at ang opening ceremony ay isasagawa sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria, Sta. Maria, Bulacan.

Facebook Comments