Tuesday, November 24, 2026

27 barangay sa Mandaluyong, binigyan ng Brand new Hybrid cars

Namahagi ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ng dalawampu’t pitong brand new hybrid vehicles para sa lahat ng mga punong barangay nito.

Layunin ng inisyatiba na mas mapabilis ang pagresponde at paghahatid ng serbisyo publiko sa bawat komunidad gayundin ang pagtitipid sa konsumo ng gasolina at pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa Mandaluyong LGU, noong nakaraang dalawang taon pa nang ilambing aniya ito ng mga kapitan kung kaya’t sa pagsapit ng nakaraang taon ay naihiling na ang budget para rito at ipinamahagi ngayong taon para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng mga bagong sasakyan ay magiging mas episyente ang operasyon ng lahat ng dalawampu’t pitong barangay sa lungsod sa pagtugon sa mga agarang pangangailangan ng mga residente.

Facebook Comments