
Nirerespeto ni Sen. Risa Hontiveros ang anumang pagsasagawa ng kilos protesta para ihayag ang anumang saloobin.
Partikular sa iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng bansa sa usapin ng hustisya at mga ginagawang imbestigasyon.
Sa Kapihan sa Manila Prince Hotel, sinabi ng senadora na karapatan ng bawat isa na inalabas ang kanilang hinaing at panawagan pero muli niyang nililinaw na ang ilan sa isyung ito ay tinututukan at patuloy na imbestigahan sa senado.
Bukod dito, ipagpapatuloy rin umano ng senado ang iba pang imbestigasyon sa mga alegasyon ng graft and corruption sa iba pang programa at departmento ng pamahalaan.
Umaasa nanan si Sen. Hontiveros na magiging maayos at payapa ang mga ginagawang protesta ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).










