Thursday, July 2, 2026

Alert status ng PNP, ibinaba na sa heigtened alert status sa buong bansa maliban sa NCR na mananatiling naka-full alert

Mula sa full alert status ibinaba na ng Philippine National Police (PNP) ang status nito sa heightened alert para sa mga units nito sa buong bansa.

Ang nasabing pagbabago ay kinumpirma ni PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co matapos itaas ang nasabing alerto kahapon.

Maliban na lang sa National Capital Region (NCR) na mananatiling naka-full alert ang status kasunod pa rin ito ng nagaganap na rally ng Iglesia ni Cristo (INC).

Nabatid na nasa Liwasang Bonifacio sa Maynila na ngayon ang mga nasabing kalahok ng INC rally para pa rin sa kanilang panawagan sa accountability at support-protest para kay Senator Rodante Marcoleta dahil sa umano’y napipintong kanyang pag-aresto.

Hinimok naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga organizers ng INC na respetuhin ang mga kautusan ng lokal na pamahalaan at isagawa ang kanilang mga panawagan ng mapayapa sa pamamagitan ng pag-alis sa mga rally site ng matiwasay at pagtulong na maibalik sa normal at maayos ang lugar kung saan sila nagsagawa ng pagtitipon.

Tiniyak ng PNP na magpapakalat sila ng sapat na bilang ng mga tauhan para tiyakin ang seguridad pati na ang maprotektahan ang karapatan ng mga motorista, commuter at mga estudyanteng maapektuhan ng nasabing kilos-protesta.

Facebook Comments