Saturday, June 27, 2026

Quezon City Government, naglabas na ng opisyal na pahayag kaugnay ng nasunog na condominium sa Eastwood City

Suportado umano ng Quezon City Government ang panawagan ng mga residente ng Olympic Heights Tower 3 sa Eastwood City na magkasa ng masusi at komprehensibong imbestigasyon kaugnay ng sumiklab na sunog sa nasabing condominium noong June 18.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon na mag-iinspeksyon umano ang Department of the Building Official para makatulong sa patuloy na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, Quezon City Police District at Property Management Office ng nasabing condominium.

Giit ng Quezon City Government, mahalaga umanong malaman kung sino ang may pananagutan sa insidente, maayos bang gumagana ang fire alarm system, may evacuation plan bang ipinatupad, regular bang nagkakasa ng inspeksyon at maintenance ng mga fire safety systems, ano ang tulong na matatanggap ng mga apektadong residente mula sa pamunuan ng nasabing condominium, at marami pang iba.

Paglilinaw nila, sa pribadong gusali naganap ang insidente pero apektado oa rin umano niyo abg kalusugan at kaligtasan ng mga nasa paligid nito.

Samantala, umaasa naman ang Quezon City Government na magsisilbi itong aral sa mga condominium developer, administrator, property managers, unit owners, at tenant nang sa ganun ay maiwasan ang ganitong uri ng insidente at makapaghanda sila ng mas maaga.

Facebook Comments