Thursday, July 2, 2026

Seryosong imbestigasyon sa mga karahasan sa mga paaralan, ipinanawagan ng isang senador

Nanawagan si Senator Imee Marcos ng seryosong imbestigasyon at malinaw na pananagutan sa mga nangyaring karahasan sa mga paaralan.

Kaugnay na rin ito ng pamamaril sa Tacloban at ang magkakahiwalay na insidente ng pananaksak sa Cavite at iba pang sumunod na karahasan sa iba’t ibang eskwelahan sa bansa.

Giit ng senadora, hindi lang dapat ang insidente ng pamamaril ang dapat na maimbestigahan kundi pati kakulangan sa seguridad sa mga paaralan at ang posibleng masamang impluwensya ng online games sa mga kabataan.

Idiniin din ni Sen. Imee ang pagpapaigting sa seguridad sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at tukuyin kung sapat ba ang seguridad, pagaralan din ang mas mahigpit na screening, paglalagay ng CCTV, malinaw na emergency protocols, at paglalagay ng metal detectors para sa bag inspection kung kaya ng budget.

Hiniling din ng mambabatas ang pagrepaso sa Juvenile Justice and Welfare Act, gayundin ang pagsusuri sa pananagutan ng mga magulang, guardian, at iba pang nakatatanda na nagpabaya sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments