
Bukal sa loob na tinatanggap at nagpapasalamat din si House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon sa pasya ng Senate impeachment Court.
Sinabi ito ni Ridon, makaraang makatanggap sya ng “stern warning” mula sa Senate Impeachment Court kaugnay sa naunang show cause order na inisyu sa kanya hinggil sa pagpapatupad ng sub judice rule.
Bunsod nito ay tiniyak ni Ridon na magkakaroon sya ng “greater restraint” o higit na pag-iingat sa pagpapahayag hinggil sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte upang hindi nya malabag ang sub judice rule.
Ayon kay Ridon, magpapatuloy pa rin sya sa trabaho bilang lead prosecutor sa pagpipresenta sa impeachment trial ng ikalawang article of impeachment na kinapapalooban ng alegasyon may hindi maipaliwanag na yaman si VP Duterte.
Ayon kay Ridon, kasama din sa ipagpapatuloy nya ang pagpapaliwanag sa usapin ng impeachment sa paraang mauunawaan ng publiko.
Magugunitang bukod kay Ridon ay inisyuhan din ng impeachment court ng show cause order si House Private Prosecutor at Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr.










