
Planong higpitan ng Department of Agriculture (DA) ang kontrol sa pag-aangkat ng mga produktong baboy para maprotektahan ang mga lokal na hog raiser.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinag-aaralan ng DA ang mga hakbang matapos ang patuloy na pagbaba ng farmgate prices at pangamba sa pagdami ng imported pork sa bansa.
Kabilang dito ang pagtataas ng taripa sa imported pork products hanggang 35 porsiyento sa susunod na taon.
Maglalagay rin ng tariff line sa frozen pork jowl o maskara ng baboy, na itinuturing na kumpetisyon ng lokal na produkto.
Iminungkahi rin ng mga lider ng industriya ang time-bound limit sa imported pork, local shipping permits at testing para sa mga imported frozen meat.
Hihigpitan din ang mga shipment na pumapasok sa mas mababang tariff category at gagamit ng updated reference value para maiwasan ang undervaluation o pagpapababa ng idineklarang halaga ng imported pork.










