Tuesday, June 30, 2026

DOTr, tiniyak na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng lahat ng EDSA busway stations sa kabila ng rally sa People Power Monument

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy-tuloy ang operasyon ng lahat ng EDSA busway stations.

Sa kabila ito ng masikip na daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa nagaganap na rally sa People Power Monument ngayong araw mula sa religious group na Iglesia ni Cristo (INC).

Nag-abiso naman ang DOTr sa publiko na asahan ang pagbagal ng daloy ng mga bus sa bandang Ortigas Northbound, dahil isang lane pa lamang ang nadaraanan ng mga sasakyan sa ngayon.

Mabagal din anila ang daloy ng mga bus mula Santolan hanggang Ortigas Southbound.

Ipinag-utos na rin ni DOTr Secretary Giovanni Lopez ang mas pinaigting na deployment ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa lahat ng busway stations para umalalay sa mga motorista at commuters.

Facebook Comments