
Nagrekomenda ang mga imbestigador ng Philippine National Police (PNP) ng karagdagang mga kasong kriminal kaugnay ng pagkalunod ng 2 student -athlete ng Ateneo sa Department of Justice (PNP).
Bukod sa reklamong paglabag sa Anti-Hazing Act na unang nirekomenda ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay dating Ateneo Coach Tab Baldwin at sa 11 iba pa ay nagdagdag ng kasong homicide ang pulisya para kay Tab Baldwin.
Pati na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide laban sa kanya at sa 8 iba pa.
Kung saan ibinigay na ito sa DOJ para sa evaluation at nararapat na aksyon kaugnay ng nasabing insidente.
Tiniyak naman ng PNP na patuloy ang pakikipagugnayan niyo sa DOJ at sa iba pang kaugnay na ahensya habang nagpapatuloy ang legal na proseso sa nasabing mga kaso.










