Tuesday, August 25, 2026

Senate Impeachment Court, inaasahang iaanunsyo bukas ang bagong schedule ng impeachment trial

Posibleng bukas, August 26, mag-anunsyo ang Senate Impeachment Court kung mayroong pagbabago sa schedule o oras ng impeachment trial.

Kung matatandaan, sinabi ni Senator Ping Lacson na mayorya ng mga senador ay gustong pagpalitin ang oras ng sesyon na gagawin sa umaga habang ililipat naman ng hapon hanggang gabi ang paglilitis.

Ayon kay Senate Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero, posibleng bukas, Augusta 26 pa sila may i-anunsyo tungkol sa pagbabago ng schedule at maaaring sa Setyembre simulang ipatupad ang bagong oras ng paglilitis.

Patapos na kasi ang buwan ng Agosto kaya pagkatapos ng trial ngayong liggong ito sa September 1 na ang balik ng paglilitis.

Sinasabing suportado ng majority bloc senators ang panukalang ilipat sa hapon mula alas 2:30 hanggang alas 7:30 ng gabi ang impeachment trial at kung kinakailangan ay maaari pang palawigin ang oras para mas magkaroon ng mahabang panahon ang paglilitis.

Facebook Comments