Tuesday, May 12, 2026

CJ Hirro, maraming dapat ipaliwanag sa NBI Director Matibag

Iginiit ni National Bureau of Investiogation (NBI) Director Melvin Matibag na maraming dapat ipaliwanag si Peanut Gallery Media Network (PGMN) CJ Hirro.

Ito ay lalo na’t mabigat aniya ang mga reklamong inihain laban kay Hirro ni dating Cong. Marvin Rillo.

Nagbanta rin si Matibag na tuloy ang paghahain nila ng kaso laban kay Hirro kahit na hindi ito sumipot sa subpoena ng NBI.

Una nang pinuna ni Matibag ang aniya’y magkaibang suot na damit ni Hirro sa ipinadalang teaser ng video sa aniya’y pangingikil kay dating Speaker Martin Romualdez, kumpara sa video na kanilang ipinost kamakalawa.

Tiniyak din ni Matibag na marami pang complainants laban sa grupo ni PGMN Founder Franco Mabanta ang lulutang sa NBI.

Facebook Comments