Tuesday, August 18, 2026

Senado, naka-work from home ngayong araw; trial at sesyon, kanselado

Bunsod ng masamang lagay ng panahon dahil sa habagat, nagpatupad ang Senado ng work-from-home (WFH) sa mga empleyado ngayong araw.

Sa advisory na ibinaba ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., nag-awtorisa si Senate President Sherwin Gatchalian na magpatupad ng WFH sa mga kawani ng Mataas na Kapulungan.

Ang work-from-home arrangement ay salig na rin sa Memorandum Circular 128 na inilabas ng Office of the President dahil sa epekto na rin ng malakas na pagulan at pagbaha sa Metro Manila dulot ng habagat.

Dahil dito, kanselado rin ngayong araw ang impeachment trial at ang panghapong sesyon sa mataas na kapulungan.

Kahapon ay maaga ring tinapos ang paglilitis at sesyon sa Senado dahil pa rin sa malakas na ulan at pagbaha.

Facebook Comments