
Pinag-aaralan na rin ng Senado ang pagadaraos ng mga pagdinig tuwing Sabado kapag dumalas ang suspensyon ng pasok dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Ayon kay Senate President Win Gatchalian, “worst comes to worst” ay posibleng magtakda na rin sila ng pagdinig sa Sabado kung kakailanganin partikular sa budget hearings.
Sinabi ni Gatchalian na ito ang nakikita nilang paraan para makabawi sa mga araw na sinuspindi ang pasok sa gobyerno.
Pagdating naman sa impeachment trial ay hindi pa naman apektado ang schedule dahil isang araw lang itong nabinbin noong nagkansela ng pasok noong nakaraang linggo dahil naman sa bagyo at habagat.
Gayunman, mino-monitor nila kung kakailanganin ba ng mas mahabang oras o dagdag na araw para mapabilis ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ngayong araw ay maagang tinapos ang impeachment trial at sesyon sa plenaryo para makauwi na ang mga empleyado bunsod pa rin yan ng malakas na pag-ulan mula kaninang umaga.










