Friday, August 14, 2026

Panukalang itaas sa 2,000 ang buwanang social pension ng mga senior citizen, isinulong sa Kamara

Isinulong sa Kamara ng mga kongresistang kasapi ng makabayan bloc na maitaas sa P2,000 ang kasalukuyang P1,000 na buwanang social pension ng mga mahihirap na senior citizen sa bansa.

Nakapaloob ito sa House Bill number 10770 na inihain nina Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list, Sarah Elago ng Gabriela Women’s party at Renee Co ng Kabataan Party-list.

Saklaw din ng panukala ang mga pensyonado ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na P10,000 o mas mababa pa ang nakukuha kada buwan.

Layunin ng panukala na mabigyan ng higit na suportang pangkabuhayan ang mga nakatatandang hirap punan ang kanilang mga pangangailangan sa gitna ng mataas na presyo ng pagkain, gamot, kuryente, tubig at iba pang pang-araw-araw na gastusin.

Facebook Comments