Senado, umalma sa pahayag ni FPRRD na magiging diktador si PBBM

Hindi sang-ayon si Senate President Chiz Escudero sa alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maging diktador si Pangulong Bongbong Marcos Jr. (PBBM) tulad ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Matatandaang noong Sabado, binatikos ni Duterte si PBBM at inakusahang hindi isusuko ang kapangyarihan bilang pangulo pagsapit ng huling termino sa 2028.

Ayon kay Escudero, hindi lang inconsistent kundi irrational at walang katotohanan ang mga alegasyon kay Pangulong Marcos.

Nang hindi aniya bumenta ang akusasyon laban kay PBBM na mahinang lider, ngayon naman ay binabanatan ang pangulo at inaakusahan na posibleng maging diktador.

Pagtatanggol ni Escudero, mahigit isang dekada na niyang kilala si Pangulong Marcos at nagkaroon siya ng pribilehiyong makatrabaho ang pangulo ngayon na halos isang taon na.

Nakatitiyak si Escudero na ang pahayag ni dating Pangulong Duterte laban kay PBBM ay taliwas sa tunay na ugali, pagtingin at work ethic nito.

Facebook Comments