Wednesday, July 29, 2026

Malampaya exploration, nagbukas ng 14 na bagong oil at gas contracts — PBBM

Aabot sa 1.6 milyong kabahayan ang maaaring masuplayan ng kuryente sa loob ng susunod na walong taon mula sa bagong natuklasang natural gas sa Malampaya.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isa itong “national treasure” na magpapalakas sa energy security ng bansa at magtitiyak ng tuloy-tuloy na suplay ng lokal na enerhiya.

Muli rin aniyang naipagpatuloy ang drilling operations sa Malampaya matapos ang walong taon, kasunod ng pagpapalawig ng service contract nito hanggang 2039.

Bunsod ng matagumpay na eksplorasyon sa Malampaya, sinabi rin ng Pangulo na nakapag-award na ang pamahalaan ng 14 na petroleum service contracts sa Luzon, Visayas, at Mindanao, na pinakamataas na bilang na naaprubahan sa loob ng isang termino ng Pangulo.

Layunin ng mga bagong kontrata na palakasin ang lokal na produksyon ng langis at natural gas upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na enerhiya.

Ang Malampaya ang tanging lokal na pinagkukunan ng natural gas sa Pilipinas at nagsusuplay ng malaking bahagi ng pangangailangan sa kuryente sa Luzon.

Facebook Comments