
Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-alay ng panalangin para sa agarang paggaling ni Pope Francis.
Ayon kay Pangulong Marcos, ikinalulungkot niyang marinig na may malubhang karamdaman ang Santo Papa.
Panalangin ng pangulo na patuloy na patnubayan at palakasin ng Panginoon si Pope Francis para maipagpatuloy nito ang kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan.
Si Pope Francis ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos ma-diagnose na may double pneumonia at early kidney failure sa kaniyang dugo.
Gayunpaman, sinabi naman ng Vatican na nananatili pa ring alerto ang Santo Papa.
Facebook Comments