
Dismayado si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagkakaalis ng mga dating presidente sa National Security Council (NSC) matapos magsagawa ng reorganization ang ahensya.
Nasasayangan ang senador dahil ang mayamang karanasan ng mga dating pangulo ng bansa ay maaaring gamitin sa pagbalangkas ng ating defense policies.
Magkagayuman, batid ni Dela Rosa na prerogative ni Pangulong Bongbong Marcos na ireorganisa ang lahat ng mga ahensya at opisina na nasa ilalim ng Ehekutibo at ang pagkakatanggal kay Vice President Sara Duterte ay hindi na bago bilang noon ay inalis din sa NSC si dating Vice President Leni Robredo.
Sa kabilang banda, laking panghihinayang ng mambabatas na pati ang mga dating pangulo ay inalis sa NSC gayong napakahalaga ng mga input nila na maaaring mapakinabangan ng kasalukuyang namumuno sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order 81 ay inaalis ang vice president at mga dating pangulo ng bansa mula sa advisory body para sa plans at policies na may kaugnayan sa national security.