Mga pulis na makikisawsaw sa politika, tututukan ng PNP-IMEG

Magpapakalat ng red teams ang PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group na magmo-monitor sa aktibidad ng mga pulis ngayong papalapit ang eleksyon.

Ayon kay IMEG Acting Director PCol. Bonard Briton, tutukan nila ang mga pulis na makikisawsaw sa pulitika.

Ito’y bilang pagtalima sa direktiba ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil na dapat ay maging non-partisan ang mga pulis.


Kasama sa kanilang imo-monitor ang mga pulis na hindi awtorisadong sumama sa lakad ng mga kandidato at nagbibigay ng security.

Gayundin ang mga pulis na nangangampanya.

Mahaharap ang mga pulis na makikisawsaw sa politika sa admin case na conduct unbecoming of a police officer.

Facebook Comments