Tuesday, June 9, 2026

Special session para ayusin ang gusot sa Senado, patuloy na tinatalakay sa Palasyo

Pinag-aaralan na ng Malacañang kung magpapatawag ng special session o personal na pupulungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga senador upang matuldukan ang nagpapatuloy na tensyon sa Senado.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kabilang ito sa mga opsyong tinatalakay ng Palasyo kasunod ng panawagan na mamagitan ang Pangulo upang maayos ang alitan sa Mataas na Kapulungan.

Sinabi ni Castro na bukas ang pangulo sa mungkahi ni dating Senate President Franklin Drilon na makialam ang Ehekutibo upang maresolba ang sigalot.

Gayunman, kinuwestiyon nito kung magiging katanggap-tanggap ang naturang hakbang sa lahat ng sangkot na senador, kabilang si Senator Alan Peter Cayetano.

Dagdag ni Castro, maglalabas ang Malacañang ng pinal na desisyon at karagdagang detalye sa sandaling matapos ang mga pag-uusap hinggil sa magiging aksyon ng pangulo.

Facebook Comments