
Ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang nangyayari sa Senado.
Ito ay matapos na dalawang magkasunod na araw na hindi nagsagawa ng sesyon ang Senado mula nang arestuhin si Senator Jinggoy Estrada.
Sa ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na maraming batas na kailangang gawin ang apektado ng kasalukuyang ingay at gulo sa Senado.
Hindi rin daw maintindihan ni PBBM kung bakit kinansela ang sesyon nang walang maagang abiso at sapat na dahilan.
Facebook Comments










