
Hindi na ikinagulat ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang ilang mga nakakagulat na resulta ng katatapos na 2025 midterm elections.
Ayon kay Estrada, ito ay dahil sa may ilang mga pangyayari sa bansa na naging factor o dahilan sa ginawang pagboto ng ating mga kababayan lalo na sa senatorial.
Inamin ng senador na marami siyang nabalitaan bago ang araw ng halalan kaya naman inasahan na niya ang pagpasok ni Rodante Marcoleta sa Magic 12.
Ikinalugkot naman ni Estrada ang hindi pagpasok ni Senator Bong Revilla Jr. bagama’t sa mga survey ay pasok siya at inendorso rin ng Iglesia ni Cristo.
Hindi aniya siya nagtaka dahil noong 2019 ay naranasan na rin niyang matalo sa senatorial race sa kabila ng pag-endorso ng INC.
Gayunman, muli siyang nakabawi noong 2022 elections at inendorso pa rin ng naturang religious group.