Saturday, May 2, 2026

Pagtugon ng pamahalaan sa krisis, gawing mas konkreto ayon sa isang senador

Hiniling ng isang senador sa pamahalaan na gawing mas konkreto ang mga aksyon sa pagtugon sa krisis para sa lahat ng mga manggagawang Pilipino.

Binigyang-diin ni Senator Joel Villanueva na sa Araw ng Paggawa ay hindi sapat ang pagkilala lamang sa sakripisyo ng mga manggagawa kasama ang mga OFWs kundi mas kailangan ng malinaw at konkretong aksyon mula sa gobyerno.

Partikular na nanawagan ang senador sa DOLE na palawakin at palakasin ang mga programa tulad ng Special Program for Employment of Students (SPES) at TUPAD kung saan pinadodoble ang bilang ng mga benepisyaryo at pinagagawang mas makabuluhan ang proyekto.

Ang mga programa para sa KADIWA at Diskwento Caravan ay hiniling na gawing mas accessible sa mga komunidad upang mas marami ang makikinabang.

Pinatutulungan din ni Villanueva ang MSMEs o ang mga maliliit na negosyo sa ilalim ng wage subsidy ng DOLE Adjustment Measures Program para mas matulungan na manatiling bukas ang mga negosyo at mapanatili ang trabaho ng mga kababayan sa gitna ng mga hamon ngayong may krisis sa bansa.

Facebook Comments