Oplan Baklas para sa mga campaign material na ginamit ng mga kandidato para sa eleksyon 2025, umarangkada na ngayong araw

Sinumulan na ang ‘Oplan Baklas’ ng mga tarpaulin sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Halos malinis na ang ilang street sa Pasay, Makati, Mandaluyong at Taguig.

Ang paglilinis na ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng Commission on Elections (COMELEC) na baklasin at linisin ng mga kumandidato ang mga idinikit sa poste, pader o sa mga kawad ang mga campaign materials ng nangamgampanya nanalo man o natalo.
Partikular na nga dito ang mga poster, malalaking tarpaulin at life-size cardboard ng mga pulitiko na makikita sa bawat lungsod.

Ito’y upang masiguro na walang matitirang campaign posters na nakadikit o nakasabit sa mga poste, pader at sa paligid ng kalsada para maging kaaya-aya at malinis tingnan lalo na’t tapos naman na ang halalan.

Ang hindi na mapapakinabangan na tarpaulin ay idi-dispose nang maayos habang ang iba naman ay ire-recycle para mapakinabangan.

Una nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa 6 na tonelada na ang nabaklas nila sa Metro Manila.

Samantala, may ilang araw na lamang ang mga magtatanggal ng mga campaign material matapos ang halalan 2025 noong lunes, May 12.

Facebook Comments