
Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag payagan na gawing isang bagsakan ang dagdag na singil sa kuryente ng mga consumers at utay-utayin ito.
Kasabay nito ang babala ni Gatchalian na posible pa ang panibagong “bill shock” sa susunod na buwan dahil ang increase ngayon sa Meralco ay dahil sa pagtaas ng foreign exchange.
Sinabi ng senador na wala pa ang epekto ng oil crisis sa kasalukuyang pagtaas sa singil sa kuryente kaya kapag pumasok na ang pagtaas sa coal, sa liquefied natural gas at iba pang presyo ay tiyak ang pagtaas pa sa bill.
Samantala, dumipensa naman si Gatchalian laban sa mga bumabatikos sa lifeline rate.
Paliwanag ng senador, 2001 pa nagkaroon ng lifeline rate subsidy bunsod ng EPIRA law at hindi naman ito nagbago hanggang sa kasalukuyan na nasa 1 sentimo lang sa kada kWh.










