Senator Bong Revilla at VP Sara Duterte, nagsanib-pwersa sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Paeng sa Cavite

Magkasamang namahagi ng relief goods sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa Cavite sina Vice President Sara Duterte at Senator Ramon Bong Revilla Jr.

Ang General Trias at Imus ang dalawa sa lugar sa Cavite na personal na pinuntahan nina Duterte at Revilla na lubhang hinagupit ng bagyo at marami pa sa mga pamilya ang nasa evacuation centers matapos mawasak ang kanilang mga tahanan dahil sa kalamidad.

Mga family food pack at relief goods ang ipinamahagi sa mga residente bilang pandagdag sa kanilang panimula sa buhay.


Ikinalugod naman ng mga Caviteño ang personal na pagbisita sa kanila ni VP Duterte at ang pagtiyak nito na tututukan niya ang kapakanan ng mga nasa lalawigan at ang mga mamamayan nito.

Pinayuhan naman ni Revilla ang mga constituents na huwag panghihinaan ng loob mula sa nangyaring trahedyang dala ng Bagyong Paeng.

Facebook Comments