
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na 20 pang gasoline stations sa Region 12 ang hindi operational.
Kasunod ito ng malakas na lindol sa Mindanao nitong Lunes.
Sa kabila nito, tiniyak ng DOE na nananatiling stable at sapat ang supply ng langis sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol.
Ayon sa DOE, masusi nilang mino-monitor ang fuel distribution at restoration activities sa mga nilindol na lugar para matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng petroleum products sa mga apektadong komunidad.
Kinumpirma naman ng DOE na may isa nang import terminal sa Region 12 ang nagbukas.
Facebook Comments










