Friday, June 12, 2026

Mga nasa likod ng pangha-hack sa website ng Senado, pinatutugis ni acting SP Win Gatchalian

Hiniling ni acting Senate President Win Gatchalian ang pagpapanagot sa batas ng mga nasa likod ng pangha-hack sa website ng Senado.

Tinukoy ni Gatchalian na ang hacking incident sa website ng Senado ang pinakahuli sa lumalalang banta sa seguridad at independence ng institusyon.

Binigyang-diin ng senador na hindi dapat ituring na isolated incident ang pag-atake sa sistema ng Mataas na Kapulungan gayundin ang iba pang banta na kinakaharap ngayon kundi dapat ay ituring itong krimen.

Iginiit ni Gatchalian na hindi sila susuko sa intimidasyon at hindi hihinto sa pagtatrabaho para sa mga Pilipino.

Nanawagan si Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na agad maglunsad ng malalimang imbestigasyon sa insidente para mapanagot sa lalong madaling panahon ang mga kriminal.

Wala namang nakompromisong sensitibo at mahahalagang impormasyon at records sa website subalit ang panghihimasok na ito ay katumbas ng paglabag sa integridad ng institusyon.

Facebook Comments