
Nagbabala si Vice President Sara Duterte na posibleng mauwi sa krimen at karahasan ang aniya’y “triple whammy” na nararanasan ngayon sa Pilipinas.
Sa ambush interview sa The Hague, Netherlands, tinukoy ni VP Sara ang sobrang taas na presyo ng langis, patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso at ang sobrang taas ng presyo ng mga bilihin.
Kaugnay nito, hinimok ni VP Sara ang pamahalaan na tulungan nila ang mga pinaka nasa ilalim na mamamayan na hindi na kayang makabili ng pagkain.
Una nang naitala ang 7.2 percent inflation rate sa buwan ng Abril, mula sa 4.1 percent sa buwan ng Marso.
Facebook Comments










