Pormal nang binuksan noong Mayo 4, 2026 ang Calasiao Dialysis Center sa Brgy. Poblacion East—isang matagal nang planong proyekto ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa ulat, matagal na umanong isinusulong ng LGU Calasiao ang pagkakaroon ng sariling dialysis facility para sa dumaraming pangangailangan sa kalusugan ng mga residente.
Hanggang 36 pasyente kada araw ang kayang pagsilbihan ng pasilidad at inaasahang magpapagaan sa pagbiyahe ng mga pasyente mula sa mga lungsod ng Dagupan at Urdaneta para lamang makapagpa-dialysis.
Matatandaan noong Oktubre 2025 nang inanusyo ng lokal na pamahalaan ang planong pagbubukas ng naturang pasilidad sa Disyembre ngunit inatras ngayong 2026 dahil sa mga nakaraang pagbaha na nakaaepkto sa ilang bahagi ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







