
Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP – HPG) at ng Philippine Army ang top 1 Most Wanted Person sa regional level sa isinagawang operasyon kahapon sa Zamboanga Del Sur.
Sa isinagawang manhunt operation, naaresto ang 45 taong gulang na suspek na napagalaman din na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrants of Arrest para sa 4 counts ng Attempted Murder at 2 counts ng Frustrated Murder.
Ang nasabing mga kaso ay may rekomendang pyansa na P240,000 para sa Attempted Murder at P400,000 para sa Frustrated Murder.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Facebook Comments










