Senator De Lima, labis ang pagdadalamhati sa pagkamatay ng dating legislative staff sa pamamaril sa Philadelphia

95

Ikinagulat at labis na ikinalungkot ni Senator Leila de lima ang pagkamatay ng kanyang dating legislative staff na si Atty. John albert Laylo sa random shooting sa Philadelphia, Pennsylvania.

Giit ni De Lima, wala dapat puwang ang ganitong karahasan sa mundo at umaasa siya na mapanagot agad ang maysala at matitigil na ang ganitong mga karumal-dumal na krimen.

Si Atty. Laylo ay naging bahagi ng legislative team ni De Lima sa loob ng dalawang taon bago ito umalis para kumuha ng master’s degree.


Nagpa-abot na ng taos-pusong pakikiramay si De lima sa pamilya ni Atty. Laylo aniya’y “a man of high energy and vibrant spirit.”

Labis ang panghihinayang ni De Lima dahil napakabata pa at napakarami pang pangarap ni Atty. Laylo.

Facebook Comments