
Mariing iginiit ng ilang grupo ng mangaggawa na oras na para basagin ang misconception na mas mataas ang sweldo at mas maraming benepisyo ang natatanggap ng mga manggagawa sa gobyerno.
Ayon kay Jocelyn Guinto, Presidente ng National Kidney and Transplant Institute Employees Association-Alliance of Health Workers (NKTI-EAAHW), hindi magsisialisan ang mga health workers sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa o kaya naman ay lilipat sa ibang sektor o industriya kung sapat at nakabubuhay ang kanilang kinikita sa Pilipinas.
Isa aniya ito sa nakakapanghinayang sa nasabing sektor dahil madami ang propesyonal at magagaling na Pilipinong health workers pero ibang lahi ang nakikinabang ng kanilang serbisyo.
Kaya sa Labor Day, isa sa panawagan ng nasabing grupo ay itaas sa P50K ang entry level salary ng mga health workers.










