Service Contracting Program Phase 3, nakapagserbisyo ng mahigit 49-M na pasahero sa buong bansa

50

Nakapagserbisyo ng mahigit 49 milyong mga pasahero sa buong bansa ang Service Contracting Program Phase 3 simula April 11 hanggang May 16, 2022.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), muling umarangkada ang programa sa ikatlong pagkakataon sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong April 11.

Nagbukas din ng rutang PITX-NLET at Cubao-NLET para naman sa mga mananakay na patungo at palabas ng Metro Manila na mula sa Region 1, Region 2, Region 3 at CAR.


Habang inaasahan naman ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang PUV units para sa libreng sakay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Layon ng Service Contracting Program na matulungan ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa papamagitan ng programa ay babayaran ng gobyerno ang mga kalahok na operator at driver base sa bilang ng biyahe na kanilang itinakbo kada linggo.



Facebook Comments