Senator Pacquiao, siguradong hindi siya kasama sa mga presidential aspirant na pinapatamaan ng pangulo

Hindi apektado si presidential aspirant Senator Manny Pacquiao sa mga patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga tumatakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Nakakatiyak si Pacquiao na hindi siya kasama sa mga presidential aspirant na pinapatamaan ni Pangulong Duterte.

Nitong mga nakaraang araw ay inihayag ni Pangulong Duterte na mayroong presidential aspirant na corrupt at mayroon ding mahina ang kakayahan para pamunuan ang bansa.


Sabi pa ni Pangulong Duterte, mayroon pa siyang ibubunyag ukol sa ilang kandidato sa pagkapresidente.

Para kay Pacquiao, mainam na hintayin na lang ang mga magiging announcement ng pangulo.

Aminado naman si Pacquiao na malaking bagay at makakatulong ng malaki ang endorsement ng pangulo.

Sa ngayon ay wala pa rin iniendorsong kandidato si Pangulong Duterte para pumalit sa kanya.

Facebook Comments