Single-day record high ridership, naitala ng MRT Line-3 sa unang araw ng Abril

45

Naitala ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) sa unang araw ng Abril ang single-day record high ridership na pumalo sa mahigit 300,000.

Sa Facebook post ng MRT Line-3, aabot sa 309,225 na mga pasahero ang naserbisyuhan kahapon ng naturang tren simula na magpatuloy ang operasyon noong Hunyo 1, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa MRT-3, ang naturang mataas na bilang ng mga pasahero ay dahil na rin sa “Libreng Sakay” program na tatagal hanggang sa katapusan ng Abril.


Dagdag pa, dahil na rin sa mas maraming bilang ng mga tumatakbong train sets matapos ang rehabilitasyon.

Tuwing rush hour, nasa 18 three-car trains sets at two four-car train sets ang tumatakbo sa naturang tren at mayroon namang 18 hanggang sa 21 train sets ang tumatakbo sa ano mang oras.

Mas mabilis na rin ang takbo ng MRT-3 trains na 60 kilometers per hour (kph) mula noong December 2020 mula sa dating 40 kph.



Habang, naibaba naman ang average waiting time sa bawat station ng 3.5 hanggang apat na minuto mula sa dating 8.5 hanggang siyam na minuto.

Mahigpit pa rin na paalala ng pamunuan ng MRT na sumunod ang mga pasahero sa minumum health at safety protocols tulad ng hindi pagsasalita, bawal kumain at ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa loob ng tren.


Samantala, patuloy pa rin na pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) kung papalawigin pa ng dalawa hanggang tatlong buwan ang nasabing libreng sakay.

Facebook Comments