Sitwasyon sa Metro Manila kaugnay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day, nananatiling mapayapa ayon sa NCRPO

Nananatiling mapayapa ang pagdiriwang ng Bonifacio Day ngayong araw sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Lt. Col. Eunice Salas bagama’t may 5 rally sa Maynila at Quezon City ngayong araw.

Sa monitoring ng NCRPO, mahigit isang libong mga raliyista ang lumahok sa mga pagkilos sa National Capital Region (NCR) ngayong araw.


Patuloy naman ang monitoring ng mga awtoridad sa Kalakhang Maynila para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments