SUV driver sangkot sa road rage sa Taguig City, pinatawan ng 90-day suspension ng LTO

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-day suspension ang car registration at driver’s license ng SUV driver na sangkot sa road rage sa Taguig City.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nag isyu na rin sila ng Show Cause Order (SCO) upang pagpaliwanagin ang naturang driver na tumigil noon sa C-5 Road sa Taguig City at kinompronta ang truck driver at hinahanapan pa ng lisensya.

Ayon Kay Mendoza, ang registration ng puting Ford Explorer at ang driver’s license ng drayber ay suspindido muna habang inaantay ang resulta ng imbestigasyon ng LTO-National Capital Region.


Ani Mendoza, napanood niya mismo ang video at nakita niyang may paglabag ang SUV driver.

Facebook Comments