
Umugong sa social media ang panawagan ng isang small business supplier laban sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Energy (DOE) dahil sa hindi pa nababayarang souvenir items para sa ASEAN Summit.
Ayon sa dismayadong supplier, walong buwan nang hindi nagbabayad ang CHED habang mahigit isang buwan naman ang DOE.
Giit ng Amianan PH, sumugal ang naturang supplier sa buong puhunan nito kahit na walang inilabas na downpayment ang mga inirereklamong ahensya.
Tiniyak naman ni CHED Chairperson Shirley Agrupis personal niyang re-repasuhin ang procurement transaction sa supplier matapos linawing hindi ito karaniwang dumadaan sa kaniyang tanggapan dahil isa itong small value procurement.
Samantala, nangako naman ang pamunuan ng CHED na titingnan ang lahat ng anggulo sa ginawang transaksyon sa rehiyon upang maibalik ang nararapat na bayad.










