9 na lugar sa bansa, dumanas ng “danger level” heat index —PAGASA

Nakapagtala ng 42°C hanggang 51°C heat index o damang init sa katawan ang siyam na lugar sa bansa dulot matinding init ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang naturang heat index ay nasa ilalim ng danger category na maaaring magdulot ng epekto sa kalusugan ng isang tao tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Nagtala ng 45°C heat index ang Hinatuan Surigao del Sur samantalang ang Dagupan City, Pangasinan ay nagtala ng 44°C.


Nagtala naman ng 42°C sa Coron, Palawan, San Jose, Occidental Mindoro, Puerto Princesa City, Palawan,Virac (Synop), Catanduanes, Iloilo City, Dumangas, Iloilo at Butuan City, Agusan del Norte.

Nagtala naman ng 38°C heat index sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City habang sa Science Garden Quezon City ay pumalo sa 40°C heat index.

Dulot ng sobrang maalinsangang panahon, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na iwasan ang paglabas ng bahay mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon para makaiwas sa mga sakit na dulot ng dry season, gaya ng skin diseases, heat stroke at iba pa.

Facebook Comments