Siyam Na Suspek Sa Davao Blast, Kakasuhan Na Ng Pnp

15

DAVAO CITY – Sinampahan na ng reklamo ang siyam (9) na suspek sa pagpapasabog sa Roxas night market sa Davao City na ikinamatay ng labing limang katao.Ayon kay Davao Chief of Police S/Supt. Michael John Dubria, multiple murder at multiple frustated murder ang sinampang reklamo.Sinabi naman ni Special Investigation Task Group (SITG) Chief Val De Leon, na bukod sa pangunahing suspek na nag-iwan ng bag na may lamang improvised explosive device may tatlong lalaki pa ang nagsilbing lookout.Sa ngayon, ipapaubaya na nila sa mga matataas na opisyal ng PNP, AFP at intelligence units na alamin kung anong grupo ang kinabibilangan ng mga naturang suspek.

Facebook Comments