Wednesday, June 10, 2026

5 bigasan sa Murphy Public Market, inisyuhan ng notice of violation sa surprise inspection ng DA ngayong Miyerkules

Limang bigasan sa Murphy Public Market sa Cubao, Quezon City ang inisyuhan ng notice of violation sa ikinasang surprise monitoring ni Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa ngayong Miyerkules ng umaga, June 10.

Kabilang sa paglabag ay ang pagtitinda ng 5% broken imported na bigas sa halagang P52 hanggang P60 kada kilo na mas mataas pa sa itinakdang P50 price cap.

May mga bigasan din na lumabag sa packaging at mislabeling dahil sa hindi pagsunod sa color coding ng mga naka-display na presyo.

Sa kwento ng mga retailer kay Asec. De Mesa, mataas ang bagsak sa kanila ng nasabing mga bigas kaya hindi nila ito kayang ibenta ng P50 kada kilo.

Tinanggap naman ni Asec. De Mesa ang paliwanag ng mga retailer matapos makita ang mga resibo, at nangakong pupuntahan ang pinagkukunan nila ng bigas sa Alabang at Maynila.

Facebook Comments