ISYU SA PATAS NA PAMAMASADA, BINUKSAN SA DAYALOGO KASAMA ANG MGA TRANSPORT GROUPS SA BAYAMBANG

Binuksan ang isyu sa pamamasada ng mga transport groups sa Bayambang sa isinagawang dayalogo hinggil sa ipinatutupad na “salang arrangement” sa mga terminal.

Tinalakay ang mga usaping may kinalaman sa operasyon ng mga terminal at sistema ng pagsasalang ng mga pampasaherong sasakyan.

Sentro nito ang patas na pagkakataon sa pamamasada para sa lahat ng transport operators at drayber na kabilang sa apat na transport groups.

Pinangunahan ng Committee on Transportation and Communication ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang pagdinig, kasama ang Bayambang Police Station at iba pang tanggapan.

Nakatakdang magtatag ang bayan ng polisiya at mekanismo para mapanatili ang patas na operasyon ng pampublikong transportasyon para sa kapakanan ng mga operator, drayber, at kompyuters sa Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments