
Blue Ribbon Committee (BRC) Chairman Erwin Tulfo ang tinawag na “hao shao” ang isinagawang pagdinig ng Cayetano bloc noong nakaraang Huwebes sa maanomalyang flood control projects.
Sa pagsisimula ng BRC consultative meeting patungkol sa flood control scam, iginiit ng kasalukuyang chairman ng komite na si Sen. Erwin na hindi lehitimo at iregular ang naging pagdinig ng Cayetano bloc na nagkukubli bilang opisyal na Senate proceeding.
Mariing itinanggi ni Tulfo ang testimonya ng “18 maleta boys” na tumanggap siya ng milyon-milyong kickback sa flood control at idiniin na walang basehan at walang katotohanan ang mga paratang na ito.
Wala aniya’y naiprisintang dokumento, resibo, at anumang kongkretong patunay na sangkot siya sa katiwalian at puro salita lamang ang mga ito.
Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si Senate President pro tempore Sherwin Gatchalian sa hindi pagdalo ng 18 bodyguards at ng iba pang ipinatawag.
Binigyang-diin ni Gatchalian na ang BRC ni Tulfo ay opisyal na patawag at may imbitasyong ibinigay sa kanila.
Kung alam aniya ng 18 ex-bodyguards na katotohanan ang kanilang ilalahad, dapat ay humarap ang mga ito sa pagdinig at hindi dapat pumili ng kung kanino lang sila haharap.
Iginiit naman ni Senator Raffy Tulfo na karapat-dapat na tawaging mga bayani ang aniya’y “18 kargadors” dahil mahigit kalahati sa mga ito ay dishonorably discharged sa serbisyo mula sa iba’t ibang paglabag.
Matatawag aniya itong sindikato dahil walang bayani ang magde-deliver ng mga kickback sa kung sino-sinong poncio pilato.










