Tuesday, April 21, 2026

Paggamit ng e-wallet sa pagbibigay ng ayuda, mas mainam at mas ligtas para sa mga benepisyaryo

Buong suporta ang ipinahayag ni House Deputy Majority Leader at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa desisyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na idaan sa e-wallet ang pamamahagi ng ayuda sa mga motorcycle taxi at delivery riders.

Ayon kay Gutierrez, na siya ring Senior Vice Chairperson ng House Committee on Transportation, napapanahon ang hakbang na ito ng DSWD matapos ang insidente kung saan nasawi ang isang motorcycle taxi rider habang nakapila para sa fuel assistance.

Diin niya, hindi dapat magbuwis ng buhay ang sinuman para lamang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

Dagdag pa ng mambabatas, nakakadurog ng puso ang naturang insidente at patunay ito na kailangang ma-modernisa ang sistema ng pamamahagi ng ayuda ng gobyerno.

Sa ilalim ng e-wallet system, mas mabilis nang matatanggap ng mga benepisyaryo ang tulong nang hindi na kailangang pumila—na maaari pang magdulot ng panganib sa kanilang kalusugan at kaligtasan.

Facebook Comments