
Cauayan City – Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan ang 10 skilled workers at 5 magulang ng child laborers mula Nueva Vizcaya.
Ang nabanggit na tulong ay mula sa Department of Labor and Employment Nueva Vizcaya at Local Government Unit Solano na naglalayong mabigyan ng pangkabuhayan ang mga benepisyaryo upang umangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Umabot sa kabuuang P450,000 ang halaga ng mga naipamahaging kagamitan sa pagnenegosyo, katulad na lamang ng gamit para sa Hair and Nail Care, paggawa ng dishwashing liquid, printing services para sa souvenirs, welding services, Bigasan, gulayan, snacks at frozen food vending, fish vending, sari-sari store, welding services, at iba pa.
Kasabay ng pagbibigay ng tulong pangkabuhayan, sumailalim din ang mga benepisyaryo sa Business and Work Improvement Training upang magkaroon sila ng kaalaman patungkol sa mga dapat na gawin sa pagnenegosyo.
Pinaalalahanan naman ng ni DOLE Nueva Vizcaya Chief Eliza Martinez na dapat maging madisiplina ang mga benepisyaryo pagdating sa pinansyal, at dapat na hiwalay ang kanilang personal na pera sa pera na kanilang kinikita at ginagamit sa negosyo.