DA AT DTI, TINALAKAY ANG TAMANG PRESYO AT SUPLAY NG BIGAS SA MERKADO

Cauayan City – Nagsagawa ng pulong ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) sa lungsod ng Santiago, upang talakayin ang monitoring ng presyo at suplay ng bigas sa merkado.

Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang maayos at patas na presyuhan para sa kapakanan ng mga mamimili at magsasaka.

Isa sa mga pangunahing paksa ay ang mga hakbang upang mapanatili ang stable na presyo ng bigas at masigurong may sapat na supply sa mga pamilihan.


Pinag-usapan din ang posibleng interbensyon ng pamahalaan upang maprotektahan ang interes ng publiko, lalo na sa gitna ng mga hamon sa sektor ng agrikultura.

Tiniyak din ng mga kinauukulan na patuloy nilang babantayan ang kalagayan ng industriya ng bigas upang maiwasan ang pagsasamantala at mapanatili ang abot-kayang presyo para sa lahat.

Magsasagawa rin ng karagdagang pagpupulong upang patuloy na mapabuti ang sistema ng pamamahagi at presyuhan ng bigas sa bansa.

Facebook Comments