“Sleeping beauty diet”, tampok sa Australia

Australia – Isa na namang paraan ng pagda-diet ang nauuso ngayon sa bansang Australia.

Tinawag itong “Sleeping Beauty Diet” kung saan mas mahabang oras ang igugugol mo sa pagtulog kaysa sa pagkain.

Sa pamamagitan daw kasi nito, mababawasan ang calorie intake ng isang tao.


Gayunman, walang siyentipikong pag-aaral na sumusuporta sa teoryang ito ng pagda-diet.

Kaya para kay Dr. Tracey Wade, professor sa Flinders University School of Psychology – delikado ang sleeping beauty diet dahil posibleng ma-overdose ang isang tao kung gagamit ito ng mga medikasyon para lang makatulog sa habang 20 oras.

Facebook Comments